Home ENTERTAINMENT Julia at Gerald, ikakasal na next year!

Julia at Gerald, ikakasal na next year!

308
0

Manila, Philippines – Matapos ang tampuhang nauwi sa hiwalayan, ang ending–sa kasalan din pala ang kababagsakan!

Angkop ang “inimbentong” kasabihang ito sa kaso ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ayon sa latest chika ni Cristy Fermin sa programa nilang Showbiz Now Na, May o June 2026 nakatakdang magpakasal ang magnobyo.

Idaraos ang kanilang pag-lisang-dibdib sa General Santos City, ang home province ng Kapamilya actor.

Magugunitang kamakailan lang ay inanunsyo ng Star Magic at Viva Artists Agency–Gerald’s and Julia’s management offices, respectively–na nagpasyang maghiwalay ang couple.

Mutual daw ang desisyon nilang yon, sabay pakiusap na bigyan sila ng privacy at iwasang magpakalat ng maling balita tungkol sa kanila.

This was followed shortly by the sighting of the couple who arrived at the wake of Julia’s brother Mito at the Heritage Park together.

The couple was also spotted to have left together.

Dahil doon, umugong ang balitang nagkabalikan sila.

Samantala, na-postpone ang dapat sana’y marriage proposal ni Gerald kay Julia dahil hindi pa umano nakakaiskor ng diamond ring ang aktor.

Ang desired engagement ring ay ‘yung may kalakihang diamante.

This early, curious ang mga netizens kung imbitado ba ang ama ni Julia sa kasal.

At kung oo, bilang ano–father of the bride that Dennis Padilla is supposed to be, o mere guest lang tulad sa naunang kasal ng isang anak na si Claudia? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here