Home NATIONWIDE Papel ng UN, UK sa pagsulong ng PH human rights plan kinilala...

Papel ng UN, UK sa pagsulong ng PH human rights plan kinilala ng Malakanyang

260
0

MANILA, Philippines – KINILALA ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang papel ng United Nations (UN) at United Kingdom (UK) isa pagtulong na maisulong ang human rights roadmap ng bansa.

Ang pagkilala ay ginawa ni Bersamin matapos na pormal na ipresenta ng UN at UK sa gobyerno ng Pilipinas ang P2.3 milyong halaga ng promotional materials para sa 4th Philippine Human Rights Plan (PHRP4).

Nauna rito, tinurn over nina UK Embassy Political Counsellor Andrew Bowes at Signe Poulsen, senior human rights adviser to the UN in the Philippines, kay Bersamin ang mga materyales sa isang seremonya sa Presidential Guest House noong Oktubre 6.

“The PHRP4 is not merely aspirational, it lays out concrete programs, measurable targets, and timelines, even as it provides for mechanisms of monitoring and accountability, ensuring that human rights commitments are implemented and sustained at all levels,” ayon kay Bersamin.

Ang PHRP4 ay nagsisilbi bilang human rights roadmap ng administrasyong Marcos na nakatuon na mapagtagumpayan ang karapatan ng mga ‘vulnerable at marginalized groups’ kabilang na ang mga kababaihan, mga anak, persons with disabilities, Indigenous Peoples, migrant workers, at mga taong pinagkaitan ng kalayaan.

Na-develop ito sa pamamagitan ng malawak na konsultasyon sa may halos 500 organisasyon mula civil society, pribadong sektor, akademya, media, at ‘grassroots communities’ sa buong bansa.

Ani Bersamin, ang prosesong ito ay pagtiyak na ang plano ay pag-aari ng mga tao at tumutugon sa kanilang reyalidad na buhay.

Samantala, muli namang pinagtibay ng pamahalaan ang commitment nito sa mga prinsipyong itinatag sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR), sinasabing naihatid na ng administrasyon ang tatlong mahalagang pangako sa panahon ng ika-75 anibersaryo noong December 2023 — pagdebelop ng national human rights plan, paglikha ng isang special body para sa inter-agency coordination on human rights, at pagtatatag ng isang national forensics institute.

“We committed, and we delivered,” ang sinabi ni Bersamin.

“The PHRP4 reflects our resolve to translate human rights into concrete action that improves people’s lives.” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here