CEBU CITY – Arestado ang isang lalaki matapos bugbugin ang kanyang asawa dahil tumangging magbigay ng pera para pambili ng shabu sa Barangay Poblacion Pardo noong Biyernes, Oktubre 10.
Kinilala ang suspek na si Arnold Navares, 48, na pinagtataga ng metal pipe ang kanyang asawa na si Mercedita, 50, matapos sabihing wala siyang pera. Dahil sa galit, pinagwawasak ni Navares ang kanilang bahay bago niya binugbog ang biktima hanggang mawalan ito ng malay.
Sa tulong ng mga kapitbahay, nakapagsumbong ang biktima sa pulisya na agad ikinaaresto ng suspek. Humingi ng tawad si Navares sa Inayawan Police Station at nangakong hindi na uulitin ang ginawa.
Kakasuhan siya sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. RNT