Home NATIONWIDE Posibilidad ng pagtama ng ‘Big One’ sa Metro Manila mas tumataas –...

Posibilidad ng pagtama ng ‘Big One’ sa Metro Manila mas tumataas – PHIVOLCS

358
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na mas tumataas ang posibilidad ng pagtama ng “Big One” na lindol sa Metro Manila habang papalapit ang 2058.

Ipinaliwanag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa panayam ng ANC na bagamat imposibleng mahulaan ang eksaktong oras ng pagtama ng lindol sa Metro Manila, maaaring matantsa ang pagdating nito base sa recurrence interval.

Ang “Big One” ay ang inaasahang magnitude 7.2 na lindol na tatama sa Metro Manila sa paggalaw ng West Valley Fault na tumatawid sa Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa, at mga probinsya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Naitala noong 1658 ang huling malaking paggalaw ng West Valley Fault batay sa lower boundary ng 400 hanggang 600 years ng reccurence interval nito.

Ang susunod na paggalaw, ani Bacolcol ay posibleng mangyari bago ang 2058.

Maaari rin itong mangyari 600 taon matapos ang 1658 o sa taong 2258.

“That means that as we get closer to 2058, the probability of this 7.2 recurring is tumataas,” aniya.

“Of course, may uncertainty yan, give or take several decades. It could happen earlier, that’s the reason why we’re saying that we’re right for the big one,” dagdag pa.

Samantala, sinabi ni Bacolcol na posibleng makaranas ng sunod-sunod na lindol dahil ang bansa ay mayroong 180 active fault segments at anim na active trenches. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here