Home NATIONWIDE Top 1 most wanted ‘killer” ng army major timbog sa Bulacan

Top 1 most wanted ‘killer” ng army major timbog sa Bulacan

255
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bisa ng Warrant of Arrest isa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Oktubre 12.

Sa report ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Ando”, 39, residente ng Purok 1, Brgy. Bagong Silang, Plaridel.

Ayon sa report, isinilbi ang WOA sa wanted ng SJDM police station katuwang ang Angat police bandang 8:48 ng gabi sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Tungko Mangga.

Nabatid na ang WOA sa kasong Parricide ay inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 104, Malolos City.

Sa kasagsagan nang pagslibi ng WOA ay nakuha mula sa akusado ang caliber .45 pistol, apat na magazine, 25 bala, cellphone, pitaka na may mga ID, tatlong sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 10 gramo na halagang P68,000 at Mitsubishi Adventure.

Sinasabing sangkot ang akusado sa insidente ng pamamaril o pagratrat na ikinamatay ng isang Army Major sa yarda ng trucking sa Brgy. Marungko, Angat noong hapon ng Abril 20, 2024.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM police station ang akusado para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here