MANILA, Philippines – INAALAM pa kung biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa Brgy Sapang 1, Ternate, Cavite.
Ayon sa concern citizen, bandang alas-11:45 kamakalawa ng umaga nang napansin nito ang bangkay ng isang hindi nakikilalang lalaki sa bangin sa Lamesang Bato malapit sa DENR place sa Ternate-Nasugbu Road Lamesang Bato, Brgy Sapang 1, Ternate, Cavite
Sa imbestigasyon ng pulisya, itinapon ang bangkay ng hindi nakilalang lalaki sa bangin na humigit kumulang 15 hanggang 20 metro ang lalim malapit sa kalsada.
Inilarawan ang biktima na tinatayang 6 na pulgada ang taas, nakasuot ng kulay puti na t-shirt, itim na short, kulay itim na brief na tatak Calvin Klein at nakagapos ang kamay sa kanyang katawan habang tinakpan ng itim na plastic ang ulo nito.
Inaalam pa ng pulisya kung biktima ng summary execution o salvage ng natagpuang bangkay. MARGIE BAUTISTA