Home ENTERTAINMENT Agot, umalma na sa ICl hearing!

Agot, umalma na sa ICl hearing!

194
0

Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, nagngingitngit si Agot Isidro sa itinatakbong imbestigasyon ng ICl kaugnay ng katiwalian sa mga flood control projects.

Pansamantala kasing sinuspinde ang live streaming ng isinasagawang pagdinig.

Ito ang ikinapikon ng singer-actress.

“Sila-sila nagkakagulo, tapos, tayo audience lang?!” simulang pananaray niya sa kanyang post.

Katwiran ni Agot, yaman din lang na ang taumbayan ang nagpapasuweldo sa mga mambabatas ay kallangang magkaroon tayo ng representasyon.

“Kami ang gumagastos sa IC!! Dapat may say din kami!” demand pa niya lalo’t hindi na raw maganda ang pinatutunguhan ng imbestigasyon.

“We demand transparency!

“We demand inclusivity!”

Kilala si Agot who never pulls back her punches lalo’t alam niyang nasa katwiran siya.

In fact, si Agot–as far as the DDS are concerned–is a pain in the neck.

Samantala, tinotoo na nga ni Senator Ping Lacson ang pagbibitiw bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

Ang sabi, “nganga” raw si Sen. Allan Peter Cayetano na umaasang iluluklok bilang Senate President kapalit ni Sotto sa pagre-resign ni Lacson.

Kay Cayetano rin nanggaling na magkaroon ng snap elections for the government to start with a clean slate–bagay na pinagtawanan lang ng Palasyo, mga mambabatas at political observers. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here