Home HOME BANNER STORY Emergency cash transfer sa mga biktima ng lindol, ipamamahagi na

Emergency cash transfer sa mga biktima ng lindol, ipamamahagi na

270
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsisimula na itong mamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) para sa mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na lindol sa Cebu, Davao Oriental, at Surigao del Sur.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, maaaring gamitin ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal para sa pagkumpuni ng bahay, pagbangon ng kabuhayan, o pagbili ng mga pangunahing pangangailangan na wala sa family food packs.

“Mag-uumpisa na rin po tayo mag-implement ng emergency cash transfer kung saan magbabahagi tayo ng tulong pinansyal para magamit ng mga naapektuhan sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan,” ani Dumlao.

Ang ECT ay isang unconditional cash grant na ibinibigay matapos ang sakuna, at katumbas ng 75% ng umiiral na regional daily wage rate na imumultiplika sa bilang ng araw ng tulong.

Aabot na sa 500,000 family food packs ang naipamigay sa Cebu at 57,000 sa mga apektadong lugar sa Mindanao. Mayroon pang mahigit 2 milyong food packs sa national stockpile.
Nagbibigay din ng psychosocial assistance sa mga biktima ng lindol.

Kabilang sa mga malalakas na lindol kamakailan ang magnitude 6.9 sa Bogo, Cebu (Setyembre 30), magnitude 7.4 at 6.8 sa Manay, Davao Oriental (Oktubre 10), at magnitude 6.0 sa Cagwait, Surigao del Sur (Oktubre 11).
Batay sa ulat, 75 ang nasawi sa Cebu at walo sa Davao Oriental. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here