Manila, Philippines – Nakadalawa nang Best Actor trophy si Dennis Trillo para sa pelikulang Green Bones.
Sa Metro Manila Film Festival noong isang taon unang nanalo ang Kapuso actor sa nasabing kategorya.
Bale nasundan ito sa 48th Gawad Urian nitong October 11, Sabado sa seremonyang idinaos sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.
Ang Green Bones ay ang entry ng GMA Pictures sa 50th MMFF.
Ang Urian Best Actor trophy ni Dennis ay ang kauna-unahan niyang parangal mula sa award-giving body na binubuo ng mga respetadong film critics sa bansa.
The recognition came after a total of six nominations.
Bale ang kalahok sa Cinemalaya Film Festival 2024 na Tumandok ang nagdomina ng mga ibinigay na parangal ng Urian.
To Dennis Trillo, congratulations!
For sure, your wife Jennylyn Mercado must be very proud of you! Ronnie Carrasco III