Home NATIONWIDE Manay, DavOr, niyanig ng magnitude 5 na aftershock

Manay, DavOr, niyanig ng magnitude 5 na aftershock

297
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 aftershock ang karagatan sa tapat ng Manay, Davao Oriental, nitong Miyerkules ng madaling araw, Oktubre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol alas-3:26 ng umaga, 48 kilometro hilagang-silangan ng Manay, sa lalim na 12 kilometro. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan nito at walang inaasahang pinsala o kasunod na aftershocks.

Anim pang aftershocks na may lakas mula magnitude 4.0 hanggang 4.9 ang naitala mula hatinggabi hanggang alas-3 ng umaga sa mga karatig na lugar.

Patuloy pa ring nakararanas ng pagyanig ang rehiyon matapos ang magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol noong Oktubre 10 na ikinasawi ng siyam at nakaapekto sa humigit-kumulang 889,000 katao.

Ayon sa Office of Civil Defense, 2,575 bahay ang nasira — 344 rito ay totally damaged — habang umabot sa ₱100 milyon ang pinsala sa mga imprastraktura. Sinabi ng PHIVOLCS na umabot na sa 1,303 ang bilang ng mga aftershock hanggang tanghali ng Martes. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here