Home NATIONWIDE Tensyon ng Pinas at Tsina sa WPS, dapat idaan sa diplomasya –...

Tensyon ng Pinas at Tsina sa WPS, dapat idaan sa diplomasya – VP Sara

284
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Bise Presidente Sara Duterte nitong Martes na dapat resolbahin sa pamamagitan ng tamang diplomatic channels ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

“Meron tayong arbitral award, nanalo na tayo doon. That is clear, nakita ‘yan ng buong mundo. We need to assert that through diplomatic channels,” ani Duterte, at idinagdag na ang mga pangha-harass sa WPS “ay hindi kabuuan ng relasyon natin sa China.”

Paliwanag niya, hindi dapat lumala ang tensyon at dapat ito ay daanin sa pag-uusap. “Ang ginagawa natin ay dinadaan natin sa Department of Foreign Affairs… ‘Yan ang karapat-dapat na gawin ng isang gobyerno kapag may problema sa ibang bansa. Hindi ‘yan pinaglalaban doon sa dagat,” aniya.

Nagpahayag siya matapos iulat ng Philippine Coast Guard na hinarang at ginamitan ng water cannon ng mga barko ng China ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas malapit sa Bajo de Masinloc, Escoda Shoal, at Pag-asa Island. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here