Home NATIONWIDE Discayas kumalas na sa pakikipagtulungan sa ICI

Discayas kumalas na sa pakikipagtulungan sa ICI

198
0

MANILA, Philippines – Hindi na makikipagtulungan sina Sarah at Curlee Discaya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ayon kay Executive Director Atty. Brian Hosaka nitong Miyerkules.

“Sinabi na nila [ang Discayas] na hindi na sila pupunta sa komisyon at makikipagtulungan,” sabi ni Hosaka.

Dagdag pa niya, inaasahan umano ng mag-asawa na ang kanilang pakikipagtulungan ay magreresulta sa paborableng rekomendasyon bilang state witness.

Dumating ang Discayas sa ICI sa Taguig para sa pagpapatuloy ng closed-door hearings sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ito ang kanilang ikatlong pagdalo sa komisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here