Home METRO Navotas Business Conference 2025 inilunsad

Navotas Business Conference 2025 inilunsad

293
0

NAVOTAS CITY – Inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)–Navotas Chapter, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, ang kauna-unahang Navotas Business Conference 2025 na layuning palakasin ang lokal na ekonomiya at bigyang kapangyarihan ang mga negosyanteng Navoteño.

Gaganapin ang dalawang araw na kaganapan sa Oktubre 28–29 sa Navotas Convention Center, kung saan magsasama-sama ang mga lider ng negosyo, innovator, at stakeholder mula sa buong Metro Manila upang talakayin ang mga oportunidad para sa paglago, pagpapanatili, at pakikipagtulungan.

Itinatampok ng kumperensya ang mga talakayan at eksibit na magbibigay-diin sa potensyal ng mga pangunahing sektor sa lungsod tulad ng pangisdaan, manufacturing, logistics, at turismo.

Sa pahayag ni Mayor John Rey Tiangco, binigyang-diin niya ang papel ng kaganapan sa pagpapalakas ng lokal na industriya.

“Habang tuloy-tuloy ang development at pagdating ng bagong investments, gusto nating tiyakin na kasama at handa ang mga local businesses sa pag-angat ng lungsod,” ani Tiangco.
“This conference is a platform for Navoteño entrepreneurs to connect, learn, and grow.”

May temang “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” binibigyang-diin ng kumperensya ang pagbabagong-anyo ng Navotas mula sa tradisyunal na komunidad ng pangingisda tungo sa isang moderno, digital, at sustainable na industriyal na lungsod.

“The ‘Sea’ represents our roots as a fishing community, while the ‘City’ represents our future — modern industry, digitalization, and a sustainable business environment,” paliwanag ni Tiangco.

Samantala, ipinahayag ni PCCI–Navotas President Paul Santos ang kanyang paghanga sa mabilis na paglago ng lokal na sektor ng negosyo.

“In just a short time, we’ve grown to 150 active members, a clear reflection of how energized and forward-looking the Navotas business community has become,” aniya. “Navotas isn’t just where we do business — it’s home.”

Binigyang-diin din ni Santos ang matatag na partnership sa lokal na pamahalaan bilang susi sa patuloy na pag-unlad.

“We are equipped with strong local resources, agile systems, dynamic business partners, and most importantly, the support of a responsive local government. Navotas is in its prime, and we’re ready to make waves,” dagdag niya.

Pangungunahan ni Agriculture Secretary Francisco “Tiu” Laurel Jr. at inspirational speaker Bo Sanchez ang mga plenary session, kasama ang iba pang mga kilalang personalidad mula sa gobyerno at industriya.

Magkakaroon din ng mga plenary talks, exhibits, at networking sessions tungkol sa innovation, leadership, at entrepreneurship. Inaanyayahan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na makiisa sa afternoon sessions at bumisita sa business booths sa halagang ₱1,000 kada araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here