Home METRO Binatilyong siklista, patay sa pagbangga ng dump truck sa C5 Road Extension...

Binatilyong siklista, patay sa pagbangga ng dump truck sa C5 Road Extension sa QC

292
0

QUEZON CITY, Philippines – Isang 14-anyos na batang lalaking nagbibisikleta ang nasawi matapos salpukin ng isang dump truck sa kahabaan ng C5 Road Extension sa Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Isinugod sa ospital ang binatilyo ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumabas ang biktima na nagbibisikleta sa kahabaan ng eastbound lane ng Commonwealth Avenue at liliko sa C5 Road Extension nang mangyari ang aksidente.

Nasa kustodiya na ngayon ng QCPD Traffic Sector 5 ang driver ng dump truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here