Home SPORTS Lingolingo nag-sorry kay Baclaan

Lingolingo nag-sorry kay Baclaan

273
0

NAGLABAS ng public apology si Wello Lingolingo ng University of the East Red Warriors kay Kean Baclaan ng La Salle.

Ito’y matapos ang insidente sa kanilang laban sa UAAP kung saan nagtamo ng MCL tear ang huli.

Sa kanyang social media post, iginiit ni Lingolingo na wala siyang intensyong manakit at isa lamang umano itong normal na dive for the loose ball na karaniwang ginagawa sa intense action ng laro.

Nangyari ang insidente sa ika-apat na quarter ng laro kung saan bumagsak si Lingolingo sa tuhod ni Baclaan habang nag-aagawan sila sa bola.

Gayunman, tinuring ng UAAP Commissioner’s Office na “excessive and forceful contact” ang ginawa ni Lingolingo, dahilan upang siya ay patawan ng tatlong-larong suspensyon.

Kasabay ng paghingi ng tawad kay Baclaan, nagpaabot din siya ng respeto sa UAAP at nangakong magiging mas responsable at disiplinadong manlalaro sa mga susunod na laban.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here