Home HOME BANNER STORY 2 nawawalang OFW, ligtas; pauuwiin sa Pilipinas – Cacdac

2 nawawalang OFW, ligtas; pauuwiin sa Pilipinas – Cacdac

267
0

MANILA, Philippines – Natagpuang ligtas at nasa kustodiya na ng OWWA office ang dalawang overseas Filipino workers sa Hong Kong na unang iniulat na nawawala, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) secretary Hans Leo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, nakatakdang i-repatriate ang dalawang OFW sa lalong madaling panahon.

Kinilala ang dalawang OFWs na sina Imee Pabuaya, 24 at Aleli Tibay, 33.

Huling nakausap ni Pabuaya ang kanyang pamilya noong Oktubre 4 na sinasabing karelasyon niya si Tibay.

Sinabi ng DMW na ipinaalam sa kanila ang sitwasyon nilang dalawa apat na araw matapos silang mawala.

Ayon kay Cacdac, nangangalap pa ng ibang detalye sa kung papaano o dahilan pagkawala ng dalawang OFWs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here