BATAAN, Philippines – Timbog ang isang dating miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Daang Bago, Dinalupihan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “DC”, 31 anyos, binata, dating miyembro ng BJMP at residente sa naturang lugar.
Nasamsam sa suspek ang ang mahigit 120 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P830,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Kabilang na ngayon ang suspek sa mga babantayan ng kanyang mga dating kabaro sa loob ng piitan.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)