Home HOME BANNER STORY UV Express driver na nang-araro ng mga motor sa Commonwealth, binawian na...

UV Express driver na nang-araro ng mga motor sa Commonwealth, binawian na ng lisensya

314
0

MANILA, Philippines – Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng UV Express Driver na nang-araro ng 12 motorsiklo at dalawang kotse sa Commonwealth Avenue.

Matatandaan na isa ang nasawi at marami ang nasugatan sa insidente.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, ipinataw ang perpetual disqualification sa driver’s license nito, kasunod ng utos ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez.

Sinabi rin ng LTO na inamin umano ng drayber sa Quezon City Police District na nakagamit siya ng illegal na droga nitong Huwebes ng gabi, o ilang oras bago siya bumyahe nitong Biyernes ng umaga.

“Sisiguraduhin nating hindi na makakapagmaneho itong UV Express driver. Paulit-ulit nang sinasabi ng Pangulo na dapat ligtas ang ating mga kalsada at mga motorista mula sa mga ganitong klaseng driver lalo’t pag may buhay na nawala bunga ng kanilang iresponsableng pagmamaneho,” ani Lopez.

Kasalukuyang naka-detain sa Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit ang UV Express driver.

Nahaharap ang suspek sa reklamong Reckless Driving, Anti-Drunk and Drugged Driving, Improper Person to Operate a Motor Vehicle at iba pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here