MANILA, Philippines – Inihanda ng Department of Health (DOH) ang mga gamot at emergency response teams bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Ramil, na tumama sa bayan ng Gubat, Sorsogon nitong Sabado ng hapon, Oktubre 18.
Ayon sa DOH, may nakahandang P11.2 milyon halaga ng mga gamot at health commodities kabilang ang first aid kits, tent, breastfeeding kits, malinis na tubig, at water containers para sa mga evacuation center.
“Matatandaang lubhang sinalanta ng Bagyong Opong ang rehiyon, kaya’t pinaigting ng DOH ang koordinasyon sa mga lokal na health offices at RDRRMC Bicol,” pahayag ng ahensya. RNT/JGC