Home NATIONWIDE DSWD nagpaabot ng P3M tulong sa sinalanta ng bagyong Ramil sa Western...

DSWD nagpaabot ng P3M tulong sa sinalanta ng bagyong Ramil sa Western Visayas

291
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng mahigit P3.2 milyon na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ramil sa Western Visayas.

Batay sa ulat ng DSWD Field Office 6 nitong Lunes ng madaling araw, tinamaan ng masamang panahon ang 42,963 pamilya o 154,664 indibidwal mula sa 332 barangay sa rehiyon.

Sa bilang na ito, 2,310 pamilya o 8,435 katao ang nananatili sa 142 evacuation centers, habang 2,635 pamilya o 9,690 katao naman ang pansamantalang nakikituloy sa mga kamag-anak o kaibigan.

Ayon sa DSWD, mayroon pa silang P82.9 milyon na natitirang pondo at rekurso—P2.79 milyon sa standby funds at P80.11 milyon halaga ng food at non-food items.

Pinangunahan ni DSWD-6 OIC Regional Director Joselito Estember ang pamamahagi ng ayuda sa Roxas City, katuwang ang lokal na pamahalaan.

Namahagi sila ng family food packs sa mga apektadong pamilya, habang ang mga evacuees naman ay binigyan ng ready-to-eat food boxes (RTEF).

“These food packs are meant to provide immediate relief to families,” ani Estember.

Bawat food pack ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, mga de-lata, cereal drink, at kape, habang ang mga RTEF boxes ay may lamang handa nang kainin at hindi na kailangang lutuin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here