Home NATIONWIDE P348-B pang tapyas-DPWH budget, nakaumang sa ‘red flags’ sa pondo

P348-B pang tapyas-DPWH budget, nakaumang sa ‘red flags’ sa pondo

288
0

MANILA, Philippines – Posibleng bawasan pa ng hanggang ₱348 bilyon ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Mula sa orihinal na ₱881.31 bilyon, nabawasan na ang pondo ng DPWH sa ₱625.78 bilyon matapos matukoy ang mga “red flag” at mga proyekto umanong may sobrang presyo.

“Ang pwedeng potential tanggalin is ₱348 billion… Kasi ‘yung red flags is already ₱271 [billion], tapos ‘yung overpricing na 20% across-the-board sa kalye, it’s another ₱70 [billion] something,” ayon kay Gatchalian. “Hindi pa naman final ‘yan. But ‘yan ‘yung mga estimates namin sa ngayon.”

Ayon sa Senate Committee on Finance, mahigit 6,000 proyekto na nagkakahalaga ng ₱271 bilyon ang may isyu, kabilang ang mga walang station number, dobleng proyekto, at mga lumitaw muli mula sa 2025 budget.

Sinabi ni Gatchalian na kung tuluyang aalisin ang ₱348 bilyon, maaari itong gamitin bilang kapalit ng mga unprogrammed fund na nasa ₱200 hanggang ₱260 bilyon.

Ipinagpaliban ng komite ang pagdinig sa budget ng DPWH hanggang Oktubre 27 at inatasan si DPWH Secretary Vince Dizon na magpaliwanag sa mga natukoy na iregularidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here