MANILA, Philippines – “Bawat tapat na guro, sundalo, at pulis ay isang tagumpay laban sa katiwalian at pangungutya na sumasalot sa ating bansa.”
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang naging talumpati sa idinaos na Metrobank Foundation Outstanding Filipinos para sa pagiging isang halimbawa ng “Bagong Pilipino” — tapat, may paninindigan at nagsisilbi na may habag.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang 10 awardees, kinabibilangan ng mga guro, sundalo at police officers, nagsilbi bilang isang inspirasyon na itama ang maling practices sa gobyerno.
“It is always with the greatest pride, honor, and pleasure that I honor the Metrobank Foundation Outstanding Filipinos because you are exemplary individuals who have gone the extra mile to transform lives, to uplift communities,” ang sinabi ng Pangulo, pinangunahan ang awarding ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.
“Mga kababayan, ipinakita ninyo na ang tunay na paglilingkod sa bayan ay hindi nasusukat sa katayuan sa lipunan, kundi sa layuning maghatid ng pagbabago sa ating mga kababayan,” dagdag na wika nito.
“Kayo ang mukha ng Bagong Pilipino: matapat, may paninindigan, at buong pusong naghahatid ng serbisyo sa kapwa Pilipino,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga kuwento ng mga awardees ay nag-aalok ng panibagong pag-asa at isang paalala na ang integridad ay nananatiling buhay sa gobyerno at kanilang karangalan ay nananatiling tumutukoy kung paano maging isang filipino.
“Guro. Sundalo. Pulis. Anuman ang inyong propesyon o paraan ng paglilingkod, ipinapaalala ninyo na ang tunay na kadakilaan ay nasa serbisyo na may dangal at katarungan,” ang sinabi ng Pangulo.
“Bawat tapat na guro, sundalo, at pulis ay isang tagumpay laban sa katiwalian at pangungutya na sumasalot sa ating bansa. Kasama po kayo sa aming inspirasyon upang magsumikap na itama ang mga nakagawiang mali sa gobyerno,” aniya pa rin.
Samantala, ang 10 Outstanding Filipinos na nakatanggap ng Medallion of Excellence para ngayong taon ay ang apat na guro: Noel Sadinas, pinuri para sa kanyang ginawa na ang tambakan ng basura ay naging learning space para sa indigenous students; Amando Perfecto Molin, na ang kabaitan ang nagdala para sa maging inspirasyon sa mga estudyante sa Southeast Asia; Dr. Mylene Uy, tagapanguna ng natural products research sa Mindanao; at Dr. Angelo Mark Walag, napagtagumpayan ang experiential learning na binigyan ng kapangyarihan ang mga guro sa underserved schools.
Kabilang naman sa mga ranks of soldiers, pinarangalan ni Pangulong Marcos si Underwater Operationsman First Class Anro Anthony Turallo para sa kanyang lakas ng loob na tumulong na bawiin ang mga komunidad mula sa violent extremism; Colonel Ricky Canatoy para sa muling pagtatayo ng war-torn villages; at Colonel Joey Fontiveros para sa pagtatatag ang first Cyber Battalion ng bansa.
Sa police service, pinuri ng Pangulo si Police Master Sergeant Ivan Velasco para sa community-driven programs na pinag-isa ang law enforcement at environmental protection; Police Major Elmira Relox para sa pagpapanumbalik ng dignidad ng hindi mabilang ng mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng ‘rescue at reintegration efforts; at Police Colonel Frederick Obar para sa innovative reforms at digital learning system na tinransform (transformed) ang paraan kung paano magsilbi ang pulis sa publiko. (KRIS JOSE)