Home ENTERTAINMENT Email add ni Alex, nagamit sa porn site!

Email add ni Alex, nagamit sa porn site!

333
0

Manila, Philippines – Gigil much pero nawindang si Alex Gonzaga nang matuklasang ginamit ng iba ang kanyang business email para sa subscription ng isang porn site.

Ipinost ng vlogger ang screen shot ng code na natanggap niya mula sa kanyang business email mula sa Pornhub.

Obyus na porn site ‘yon.

In a humorous way, gustong malaman ni Alex “kung sinong maelyang (read: horny) nag-subscribe at 3am.”

Sa dinami-dami raw na puwedeng gawan ng ganoon ay siya pa ang naisip at napili.

Hindi naman siya sineryoso ng mga netizens, to the point of passing the buck to her.

“Ikaw naman ‘yan, Alex, eh…umamin ka na! Hehehe!” sey ng isang netizen.

Still other one pointed to her husband Mikee Morada: “Naku, si Mikee ‘yan! Hahaha!”

Sa puntong ito’ y pumatol na si Alex in defense of Mikee.

Sey niya: “Tulog na ‘yon nang ganoong oras. Maaga natutulog ‘yon.”

Oo nga naman, isa nang halal na opisyal si Mikee who hits the sack early for his work the next morning.

Maitatanong lang–hindi kaya giveaway at napakadaling hulaan ng business email ni Alex?

Solusyon–baguhin niya and use a different email! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here