Home ENTERTAINMENT Kathryn’s Most Influential Celeb of the Year award, tinaasan ng kilay!

Kathryn’s Most Influential Celeb of the Year award, tinaasan ng kilay!

267
0

Manila, Philippines – The worst of criticisms na hindi kayang masikmura ni Kathryn Bernardo.

Pinalagan ng maraming netizens ang pagpaparangal sa Kapamilya actress bilang Most Influential Celebrity of the Year.

Ito’y mula sa Edukcircle.

Obyus na hindi sang-ayon ang mga netizens sa pagkakapili kay Kathryn on a number of reasons.

Ang “key word” nga naman doon ay influential–sa paanong paraan daw ginamit ni Kathryn ang kanyang estado to be called such?

Tahimik lang naman daw ito sa mga social issues.

Nasaan din daw ang partisipasyon ng aktres sa Trillion Peso March?

Mabuti-buti raw sana kung sa iba na lang daw ipinagkaloob ang award.

Nabanggit ang mga pangalan ni Vice Ganda nas mas sang-ayon pa sa kanila, Anne Curtis, Regine Velasquez at Nadine Lustre.

Damay rin sa pambabarag ng mga netizens ang rumored boyfriend ni Kathryn na si Lucena City Mayor Mark Alcala, na kesyo trapo daw ito.

Worst of all, may nag-post pa ng: “Magkano ang bili mo, teh?” na ang tinutukoy ay ang tropeo.

At presstime, wala pang reaksyon mula sa kampo ni Kathryn.

But in fairness to her mother Mommy Min, she did her share during the September 21 rally on Edsa–distributing food packs and bottled water.

May ilang dumepensa rin sa aktres, advising her to simply ignore the negative posts. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here