Home NATIONWIDE Notoryus na tulak patay sa pamamaril sa Quezon

Notoryus na tulak patay sa pamamaril sa Quezon

257
0

MANILA, Philippines – Patay ang hinihinalang notoryus na tulak ng illegal na droga matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na gunman sa Sariaya, Quezon nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 23.

Ayon sa Quezon police, kinilala ang biktima na si alyas “Salie” na sakay ng bisikleta nito pauwi ng bahay nang paulit-ulit paputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang gunman.

Nangyari ang insidente 7:45 ng gabi sa liblib na farm area sa Barangay Manggalang 1.

Agad na tumakas ang gunman at naiwan si Salie na dead on the spot.

Batay sa pulisya, si Salie ay sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga.

Inaalam na ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pamamaril.

Inilunsad din ang manhunt operation laban sa gunman. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here