Home METRO P43M halaga ng marijuana nakumpiska sa Taytay, Rizal

P43M halaga ng marijuana nakumpiska sa Taytay, Rizal

287
0

MANILA, Philippines – HIGIT ₱43.8 milyon halaga ng marijuana at mga produktong may halong cannabis ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nadakip na “high-value individual” sa isinagawang buy-bust operation sa Taytay, Rizal, nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 23.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Taytay Municipal Police Station, ang suspek na isang 31-anyos at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), narekober sa operasyon ang 25 kilo ng high-grade kush, 23 kilo ng tuyong dahon ng marijuana, 1,600 cartridges ng hinihinalang liquid marijuana, at 200 piraso ng vape juice na pinaniniwalaang may sangkap din ng marijuana, bukod pa sa iba pang ebidensya.

Sinabi ng pulisya, sangkot sa pamamahagi ng high-grade marijuana sa lalawigan ang suspek na hindi pinangalanan para matunton ang mga kasabwat pa nito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here