MANILA, Philippines – Nagluluksa ang Korte Suprema sa pagpanaw ng isang hukom sa Cebu na binawian ng buhay sa isang aksidente sa kalsada noong Oktubre 22, Miyerkules.
Ayon sa korte, papasok sa korte si Municipal Circuit Trial court Aloguinsan-Panamungajan Presiding Judge Carmela Rosario Pasquin sakay ng motorsiklo nang mangyari ang insidente.
“The SC extends its heartfelt condolences to Judge Pasquin’s family, lovd ones, and the entire MCTC Aloquinsan-Pinamungajan staff duing this time of grief,” pahayag ng korte.
Taong 2010 nang magsimula ng kanyang karera si Pasquin ayon sa SC.
Sumali siya sa hudikatura noong 2019 bilang branch clerk of court sa Barotac Regional Trial Court Branch 71 at pagkatapos ay na-promote bilang Clerk of Court VI sa parehong korte noong 2021.
Naging presiding judge siya noong 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden