NEW ZEALAND – Isang 13-taong-gulang na batang lalaki sa New Zealand ang nakalunok ng hanggang 100 high-power magnet na binili niya sa Temu, na nagpilit sa mga surgeon na alisin ang tissue sa kanyang bituka, sinabi ng mga doktor nitong Biyernes.
Matapos magdusa ng apat na araw ng pananakit ng tiyan, dinala ang hindi pinangalanang binatilyo sa Tauranga Hospital sa North Island.
“He disclosed ingesting approximately 80–100 5x2mm high-power (neodymium) magnets about 1 week prior,” ayon sa mga doktor sa New Zealand Medical Journal.
Ang mga magnet, na ipinagbawal sa New Zealand mula noong Enero 2013, ay binili sa online shopping platform na Temu, sabi nila.
Nakita sa X-ray na nagkadikit-dikit ang mga magnet sa apat na tuwid na linya sa loob ng bituka ng bata.
“These appeared to be in separate parts of bowel adhered together due to magnetic forces,” anila.
Sinabi ng mga doktor na ang presyon ng mga magnet ay nagdulot ng nekrosis — tissue death — sa apat na bahagi ng maliit na bituka at caecum ng bata, na bahagi ng malaking bituka.
Inoperahan ng mga surgeon para tanggalin ang patay na tissue at kunin ang mga magnet, at nakauwi ang bata pagkatapos ng walong araw na pag-ospital.
Sinabi ng Temu na ikinalulungkot nilang malaman ang operasyon ng bata.
Ayon pa sa Temu na naglunsad ito ng imbestigasyon upang matiyak na sumusunod ito sa mga kinakailangan sa kaligtasan sa New Zealand.
“We have launched an internal review and reached out to the authors of the New Zealand Medical Journal article to obtain more details about the case,” anila.
“At this stage, we have not been able to confirm whether the magnets involved were purchased through Temu or identify the specific product listing. Nonetheless, our teams are reviewing relevant listings to ensure full compliance with local safety requirements.”
Ang online e-commerce platform na itinatag ng China ay binatikos sa mga merkado kabilang ang European Union dahil sa diumano’y hindi sapat na paggawa at pagsisiyasat upang alisin ang mga ilegal na produkto mula sa platform nito. RNT/MND