Home METRO Magkaibigan patay, 6 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan; motorsiklo nasunog

Magkaibigan patay, 6 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan; motorsiklo nasunog

303
0

KORONADAL CITY, Philippines – Patay ang magkaibigan lalaki at babae na criminology graduate habang anim ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan na ikinasunog ng motorsiklo, kahapon ng umaga sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Batay sa report Tantangan Municipal Police Station, bandang 11:30 AM Oktubre 24, 2025 naganap ang insidente  sa kahabaan ng National Highway sa Purok Boundary, Barangay Magon, ng nasabing bayan.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Joerhen Lazona Losaria, 23-anyos, taga-Purok San Jose, Brgy. San Pablo, Tacurong, Sultan Kudarat, drayber ng nasunog na motorsiklo, at kaibigang babaeng angkas nito na si Rhiam Jade Palomo.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng isang Suzuki Swift ang daan mula Tacurong City patungong Koronadal City nang bigla umanong nagpreno ang drayber na si Vengie Labadan, 46-anyos, DepEd member, taga-Brgy. Talusan, Balingasag, Misamis Oriental, ng mabulaga umano ito ng isang motorsiklo.

Nawalan siya ng kontrol sa manibela at nabangga ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Losaria, at ang isang Toyota Rush na minamaneho naman ni Dr. Jaypie S. Lequillo, 39-anyos, residente ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Sa lakas ng impak, nasunog ang motorsiklo at agad na nalagutan ng hininga ang magkaibigang Losaria at Palomo.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng Suzuki na si Gumahin, pati ang kanyang mga sakay na si Lelibeth C. Valerio, 51-anyos, empleyado ng LGU-Balingasag, at ang tatlong Batang Pinoy athlete na sina Pearl B. Asilo, 13-anyos; Keziah G. Morillo, 16-anyos; at Andrea Lou A. Payapaya, 13-anyos, na dinala sa Sultan Kudarat Provincial Hospital; at ang drayber ng Toyota na si Dr. Lequillo na nagtamo rin ng sugat ay dinala sa Sandig Hospital, Tacurong City para sa tamang medikal na atensyon.

Dinala naman sa nasabing himpilan ng pulisya si Labadan para sa tamang disposisyon at dokumentasyon o posibleng maharap sa patung-patong na kaso. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here