Home NATIONWIDE Higit 8K kaso ng dengue naitala sa unang dalawang linggo ng Oktubre

Higit 8K kaso ng dengue naitala sa unang dalawang linggo ng Oktubre

284
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 8,460 kaso ng dengue sa bansa sa unang dalawang linggo ng Oktubre.

Ayon sa DOH ang mga kaso ng dengue ay naitala mula Oktubre 5 hanggang 18.

Dahil dito, nagpaalala ang ahensya sa publiko na ipatupad ang ‘Taob, Taktak, Tuyo, at Takip’ sa mga container na may lamang tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok.

“If you experience symptoms of dengue such as fever accompanied by rash, body aches, muscle and eye pain, dizziness or vomiting, seek immediate medical attention,” sinabi ng DOH.

Bago rito, nakapagtala ang DOH ng 14,131 kaso ng dengue sa buong bansa mula Setyembre 14 hanggang Setyembre 27. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here