Home NATIONWIDE 2 US Navy aircraft , bumulusok sa S. China Sea

2 US Navy aircraft , bumulusok sa S. China Sea

267
0

MANILA, Philippines – Dalawang eroplano ng US Navy ang bumagsak sa South China Sea nitong Linggo sa magkahiwalay na insidente habang isinasagawa ang mga rutinang operasyon, ayon sa US Pacific Fleet nitong Lunes.

Kabilang sa bumagsak ang MH-60R Sea Hawk helicopter ng Helicopter Maritime Strike Squadron 73 at F/A-18F Super Hornet fighter ng Strike Fighter Squadron 22.

Sa kabila nito, ligtas naman at nasa maayos na kondisyon ang limang sakay matapos mailigtas ng search and rescue team mula sa Carrier Strike Group 11.

Ayon sa ulat, bumagsak ang Sea Hawk bandang 2:45 p.m. habang galing sa aircraft carrier USS Nimitz, at sumunod namang bumagsak ang Super Hornet sa 3:15 p.m.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng mga insidente.

Tumanggi ang US Pacific Fleet na ibunyag ang eksaktong lokasyon dahil sa seguridad ng operasyon.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na kanilang tinitingnan kung nangyari ang pagbagsak sa loob ng saklaw ng WPS. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here