MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes ang pagtatalaga kay Atty. Angelito “Lito” Magno bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ni NBI Director Jaime Santiago.
Inanunsyo ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang naturang appointment sa isang press briefing sa gilid ng 47th ASEAN Summit sa Malaysia.
Isang beteranong abogado, umangat si Magno mula sa pagiging line agent hanggang Deputy Director for Investigative Services ng NBI. Kilala siya sa larangan ng imbestigasyon, ICT, at pamumuno sa pagpapatupad ng batas.
Kinumpirma naman ni Santiago, na nagbitiw noong Agosto dahil sa umano’y mga detraktor at may “masamang interes,” na tinanggap na ng Pangulo ang kaniyang irrevocable resignation. Dave Baluyot