Home NATIONWIDE GCash data leak, tatalupan ng NPC

GCash data leak, tatalupan ng NPC

326
0

MANILA, Philippines – Inimbestigahan ng National Privacy Commission (NPC) ang umano’y data breach sa GCash operator na G-Xchange Inc., na itinanggi naman ng kompanya at sinabing ligtas pa rin ang kanilang sistema.

Ayon sa NPC, nagpadala na ang kanilang Complaints and Investigation Division ng notice to explain sa G-Xchange matapos lumabas sa dark web ang isang user na nagngangalang “Oversleep8351,” na umano’y nag-aalok ng GCash account numbers, konektadong bank at virtual accounts, at KYC records na may pangalan, address, at mga ID.

“As of 10:30 a.m. on October 27, 2025, wala pa kaming natatanggap na opisyal na abiso ng data breach mula sa kompanya,” ayon sa NPC, na nagsabing magsasagawa ito ng aksyon kung mapatunayang may nakompromisong datos.

Ayon naman sa GCash, wala silang nakitang ebidensya ng anumang breach. “Hindi tugma sa aming sistema ang sinasabing dataset at may mga pangalan na hindi GCash users,” anila. “Walang patunay ng breach. Ligtas ang lahat ng account at pondo ng aming mga kustomer.”

Patuloy ang koordinasyon ng GCash sa NPC, BSP, at CICC at hinimok ang mga user na maging mapagmatyag at iulat ang kahina-hinalang aktibidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here