Home NATIONWIDE Parak isinelda sa pagpapakawala ng preso sa Caloocan

Parak isinelda sa pagpapakawala ng preso sa Caloocan

285
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang police lieutenant colonel matapos iligal na ilabas ang isang detainee mula sa kulungan sa Caloocan City.

Batay sa ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Lt. Col. Emmanuel Gomez, hepe ng Northern Police District Special Operations Unit (NPD SOU), na inaresto noong Linggo ng gabi.

“I ordered relief. Filing of criminal and administrative charges (against the cop),” ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin sa panayam ng Philippine News Agency.

Ayon kay NCRPO public information chief Maj. Hazel Asilo, natuklasan ang insidente matapos ang accounting ng mga detainee sa NPD SOU facility nitong Sabado ng hapon, kung saan napansing kulang ang bilang ng mga persons under police custody.

“Nung hinanap natin ito, tinawagan nung ating duty jailer yung ating police at nalaman na nasa kanya yung ating nawawala na isa sa mga detained… parang na-utilize daw niya yung ating detainee para sa case buildup,” ani Asilo.

Hindi pa malinaw kung para saang kaso ito ginamit. Ayon kay Asilo, dalawang opisyal ng NPD ang umaresto kay Gomez sa kaniyang opisina at ibinalik sa kulungan ang detainee, ngunit inaalam pa kung saan ito dinala.

Sasailalim si Gomez sa inquest proceedings para sa posibleng kasong kriminal sa ilalim ng Article 223 ng Revised Penal Code—*conniving with or consenting to evasion of service of sentence*—at maaari ring masampahan ng kasong administratibo dahil sa grave misconduct. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here