Home SPORTS Alas Pilipinas U18 pasok sa semifinals ng Asian Youth Games

Alas Pilipinas U18 pasok sa semifinals ng Asian Youth Games

294
0

ISA TOWN, Bahrain – Pasok na sa semifinals ng 3rd Asian Youth Games ang Alas Pilipinas Under-18 team matapos talunin ang Chinese Taipei, 25-15, 20-25, 25-16, 25-18, sa quarterfinals sa Isa Sports City Stadium.

Pinangunahan ni Rihanna Chris Navarro ang pambato ng Pilipinas matapos makuha ang match point na nagpatatag ng panalo sa loob ng halos dalawang oras.

Habang isinusulat ito, nakatakdang humarap ang koponan, na binubuo ng mga manlalaro mula sa UAAP Season 87 champion NU Lady Bullpups, sa malakas na Iran sa semifinals sa parehong venue.

Ang Iran ay nagwagi kontra Hong Kong, 25-14, 25-13, 25-18, para makuha ang tiket sa semis. Sa kabilang dako, magtatagpo rin sa semifinals ang Thailand at Indonesia.

Tinalo ng Thailand ang Qatar, 25-5, 25-5, 25-8, habang pinatumba naman ng Indonesia ang China, 25-21, 25-18, 25-20. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here