Home SPORTS Weightlifters mula Zamboanga City humakot ng gold, silver sa Batang Pinoy

Weightlifters mula Zamboanga City humakot ng gold, silver sa Batang Pinoy

276
0

GENERAL SANTOS CITY – Naibulsa ng weightlifters mula sa Zamboanga City ang gold at silver medals sa AG-Boys 12 years old and boys 38kg sa umiinit na hostilidad sa ginaganap na taunang Batang Pinoy games.

Para makuha ang gold medal, umiskor si Kyle Nathan Kue  ng 150 points matapos kumamada ng 65 sa snatch at 85 sa clean and jerk.

Nakalaban niya sa finals ang kanyang teammate na mula rin sa Zamboanga na sumungkit ng silver medal na si Al-Fhadzrey Sabban matapos  humakot ng 60 points sa snatch at 80 sa clean and jerk na may total score na 140 points.

Nagkasya naman sa bronze si Seddel Joe Lagamayo na umiskor ng 56 sa snatch at 70 sa clean and jerk para sa kabuuang 126 points.

Sa isang interview, sinabi Kue na masaya siya at nakuha niya ang gold medal at karangalan para sa Zamboanga lalo pa at pati silver na sinungkit naman ni Sabban ay kanilang nakopo.

“Masaya kami at nakapagbigay kami ng karangalan para sa aming bayan, hindi matutumbasan ng anomang bagay ang saya na aming nadarama ngayon,” dagdag ni Kue.

Iniaalay rin niya ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya at kanyang coach.

Matamis ang aming natamong tagumpay dahil ito ang unang beses na sumabak kami sa Batang Pinoy, ayon naman kay Sabban.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here