Home NATIONWIDE Shortcuts sa MNC, pinagbabaklas

Shortcuts sa MNC, pinagbabaklas

182
0

MANILA, Philippines – Pinagbabaklas ng Manila North Cemetery (MNC) ang mga hagdanan na nagsisilbing daanan o shortcut ng mga nagtutungo sa sementeryo, lalo na sa araw ng Undas.

Ayon sa MNC, kadalasan naipapasok sa loob ng sementeryo ang mga bagay na ipinagbabawal sa pamamagitan ng shortcut ladder na inilalagay sa loob o gilid ng naturang sementeryo.

Ito rin ang ginagawang daanan ng mga nagbabalak maglinis kahit na ipinagbabawal na, at nagiging takbuhan din ito kapag nagsasagawa ng operasyon ang MPD at Manila LGU.

Ayon kay Manila North Cemetery Dir. Dandan Tan, binaklas nila ang mga hagdanan upang hindi na mapakinabangan, at tanging sa harap na lamang daraan ang mga bibisita sa sementeryo.

Bukod dito, imomonitor at babantayan ng MPD ang mga paligid ng Manila North Cemetery upang hindi na ito maging shortcut ng publiko.

Ang mga nakatira naman sa loob ng sementeryo, partikular ang nasa gilid, ay inabisuhan na sumunod sa patakaran at makipag-ugnayan upang hindi magkaproblema o maabala sa araw ng Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here