Manila, Philippines- Kamag-anak ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang ina ni John Arcilla na si Eustacia na mula sa Baler, Quezon.
That makes John and Ricky Quezon Avanceña–as far as the actor is concerned and in his words–“insan” or cousins.
Hindi napigilang magbigay ng kanyang saloobin si John sa Facebook post ni Ricky patungkol sa pelikula hango sa buhay ng kanyang lolo.
In his post, tahasang sinabi ni Ricky na kinumpronta niya ang mga nasa likod ng nasabing pelikulang prodyus ng TBA Studios-ang bidang si Jericho Rosales at direktor nitong si Jerrold Tarog.
Ani Ricky, binaboy at binalahura raw ng pelikula ang imahe at alaala ng kanyang lolo.
Naganap naman ang kanilang pagpapang-abot sa post-screening discussion sa isang sinehan sa Makati City kung saan pinigilan siya ni Jericho na magtanong.
Ipinost ni Ricky ang bahagi ng video ng kanilang engkuwentro.
Hindi naman maiaalis na hindi mag-react si John.
Si John ang gumanap na General Antonio Luna sa pelikulang Heneral Luna, ang unang installment ng Bayaniverse ng TBA Studios.
Ang kay John na kamag-anak din ng Quezon, nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang “insang” si Ricky.
Ani John, buhay pa raw kasi silang mga descendants ni Quezon: “I feel you, insan.”
As such, karapatan daw nilang maghanap ng clarification o action if necessary pagdating sa pagsasapelikula ng ganitong materyal.
Maano daw ba namang kinausap man lang sana silang mga buhay na descendants bago sinimulan ang pelikula?
Naipaliwanag na ni direk Jerrold ang panig niya, maging ang TBA Studios ay nag-release na rin ng statement–sa pagkakataong ito, may plano rin ba si Jericho to air his side bilang bida ng pelikula? Ronnie Carrasco III