Home OPINION MAAGANG PAGTUKLAS NG BREAST CANCER SA PHILHEALTH YAKAP SCREENING TEST

MAAGANG PAGTUKLAS NG BREAST CANCER SA PHILHEALTH YAKAP SCREENING TEST

388
0

KASABAY ng obserbasyon ng “Breast Cancer Awareness Month,” mas pinaigting ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang kampanya nito para sa maagang pagtuklas at paggamot ng breast cancer alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., na palawakin ang akses sa serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

Hinikayat ni PHILHEALTH Pre­­sident at Chief Executive Officer Dr. Edwin Mercado ang mga ka­babaihan na samantalahin ang pinalawak na benepisyo at screening packages ng ahensya. Aniya, sa pamamagitan ng PHILHEALTH YAKAP o Yaman ng Ka­lusugan Program ay ginagawa ng ahensya na mas madali at abot-kaya ang mga serbisyong pangkalusugan. Nanawagan siyang huwag nang ipagpaliban pa ang pag-aalaga sa kanilang kalusugan, magpa-check-up, mag-follow up, at sundin ang tamang ga­mutan, dahil ito ay kanilang karapatan at naroon ang PHILHEALTH upang suportahan sila.

Bagaman isa sa mga pinaka­nagagamot na uri ng kanser, na­nanatiling isa pa rin ang breast cancer sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan sa Pilipinas, kadalasan ay dahil sa huli nang pagkakatuklas ng sakit.

Sa pag-aaral ng Philippine Ins­titute for Development Stu­dies (PIDS) noong 2023, tanging isang porsyento lamang ng mga Filipina ang sumasailalim sa cancer screening o katumbas ng humi­git-kumulang 540,000 mula sa tinatayang 54 million na kababaihan. Tinatayang 65 porsyento ng mga kaso ng breast cancer ay natutuklasan na sa advanced stage, dahilan upang bumaba ang survival rate.

Bilang tugon, pinalawak ng PHILHEALTH ang Z Benefit Packa­ge for Breast Cancer, mula sa dating Php 100,000 na covera­ge patungong hanggang Php 1.4 million o isang 1,300 porsyento na pagtaas. Saklaw nito ang mga pasyente mula Stage 0 hanggang Stage 4, kabilang na ang mga kasalukuyang sumasailalim sa gamutan. Hanggang nitong September 2025, umabot na sa Php 72.03 million ang nailabas na pondo sa ilalim ng nasabing programa.

Kasabay nito, sinusuporta­han ng PHILHEALTH YAKAP ang mga hakbang sa maagang pag-iwas sa sakit sa pamamagitan ng coverage para sa mga outpatient screening tests kagaya ng mammogram (Php 2,610) at breast ultrasound (Php 1,350).

Layunin ng ahensya na alisin ang hadlang sa gastusin upang mahikayat ang mga kababaihan na magpatingin at magpagamot nang mas maaga, bago pa lumala ang kondisyon.

Para sa karagdagang impor­masyon ukol sa PHILHEALTH YA­KAP at Z Benefit Packages para sa Breast Cancer, maa­a­ring makipag-ugnayan sa PhilHealth 24/7 hotlines sa (02) 8662-2588 o sa mga numerong 0998-8572957, 0968-8654670 (Smart), 0917-1275987, at 0917-1109812 (Globe).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here