JAMAICA – Iniulat ng mga awtoridad sa Jamaica ang malawakang pinsala matapos tumama ang Hurricane Melissa, ang pinakamalakas na bagyo na direktang tumama sa bansang may 2.8 milyong tao.
“Jamaica’s gone through what I can call one of its worst periods. The entire Jamaica has felt the brunt of Melissa,” ani Desmond McKenzie, ministro ng lokal na pamahalaan.
Nasira ang Black River Hospital at iba pang ospital at paaralan, at higit 500,000 katao ang nawalan ng kuryente.
Ang Jamaica ay nakaapekto sa tinatayang 300 Pilipino na naninirahan doon.
Patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang kalagayan ng mga Pilipino, at wala pang naiuulat na nasawi o nasugatan.
Ayon sa U.S. National Hurricane Center, patuloy ang hagupit ng Bagyong Melissa na nagdudulot ng matitinding hangin, pagbaha, at storm surge sa buong Jamaica.
Tumama ang bagyo malapit sa New Hope, timog ng Montego Bay, na may maximum sustained winds na 185 mph (295 kph). Inaasahan na mananatiling malakas ang bagyo habang tumatawid sa mabundok na isla patungong Santiago de Cuba, kung saan delikado ang mga komunidad sa mataas na lugar sa landslide at pagbaha. Dave Baluyot