Home HOME BANNER STORY Mabigat na daloy ng trapiko sa NLEX, asahan sa Okt. 30-31

Mabigat na daloy ng trapiko sa NLEX, asahan sa Okt. 30-31

265
0

MANILA, Philippines – Inaasahang lalala ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) ngayong Huwebes at Biyernes dahil sa Undas.

“Sa ngayon, wala pa naman po tayong namo-monitor na pagdagsa ng ating mga kababayang bibiyahe para dito sa Undas pero inaasaan po natin na baka mamayang hapon, kung meron na pong maagang bibiyahe,” ayon kay Robin Ignacio, assistant vice president ng NLEX.

“Ang dagsaan po ay inaasahan natin bukas ng hapon hanggang gabi, maging Friday po ng early morning hanggang hapon na po,” dagdag pa niya.

Bukas na lahat ng lane sa expressway at pansamantalang sinuspinde ang road works.

Magsasagawa rin ng libreng towing mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Pinayuhan din ni Ignacio ang mga motorista na siguraduhin ang kanilang RFID stickers para sa mas mabilis na toll transactions. Naka-deploy rin ang mga ambulansya para sa emergency.

Sa mga pantalan, inaasahan ng Philippine Ports Authority ang 2.2 milyong pasahero, mas mataas kaysa sa 1.9 milyon noong nakaraang taon.

“Ang inaasahan po natin Thursday at Friday ‘yung pinaka-peak ng mga pasahero dahil ngayon po, may mga pasok pa karamihan. So pagdating po nyan after work, dire-diretso ma po sa pantalan,” sabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte.

Magpapadala rin ng mas maraming barko at kanselahin ang mga araw ng pahinga ng mga tauhan upang matulungan ang mga pasahero. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here