Home NATIONWIDE P351-M droga winasak sa Palawan

P351-M droga winasak sa Palawan

286
0

PALAWAN – Sinunog sa Puerto Princesa City, Palawan ang tinatayang P351 milyon halaga ng iligal na droga, ang pinakamalaking nasunog na haul sa rehiyon ng Mimaropa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes, Oktubre 28.

“Ito ang pinakamalaking pagsunog ng mapanganib na droga na isinagawa sa rehiyon ng Mimaropa. Patunay ito ng pagiging mapagbantay ng ating mga mangingisda, dedikasyon ng ating katuwang na ahensya, at matibay na paninindigan ng PDEA na tuluyang alisin ang iligal na droga sa sirkulasyon,” sabi ni PDEA Mimaropa Regional Director Maharani R. Gadaoni-Tosoc.

Umabot sa 114,673.5221 gramo ng solidong iligal na droga, kabilang ang cocaine, kush, at marijuana na nasamsam sa ilang operasyon noong Setyembre at Oktubre, ang sinunog sa New Public Cemetery gamit ang thermal decomposition o thermolysis, na nagpapainit sa mga droga hanggang tuluyang masira.

Tiniyak ng PDEA na lahat ng sinunog na droga ay may court orders alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Ang pagsunog na ito ay patunay ng malakas na koordinasyon ng mga ahensya at mahalagang suporta ng ating komunidad sa paglaban sa banta ng iligal na droga. Ang transparency, accountability, at partnership ay nananatiling puso ng ating kampanya,” ani PDEA Director General Isagani R. Nerez. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here