MANILA, Philippines – HANDA na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa Undas 2025, na magpapadala ng higit 2,200 first aiders, 180 ambulansya, at 92 sangay sa buong bansa.
Sa ilalim ng operasyon, magtatayo ang PRC ng 284 First Aid Stations at 141 Welfare Desks sa 314 lugar, kabilang ang mga sementeryo, terminal ng transportasyon, at pangunahing kalsada. Magkakaroon din ng 58 service vehicles, 100 on-foot patrol units, at libu-libong bihasang boluntaryo.
“As families come together to remember their loved ones this Undas, the Philippine Red Cross stands ready to serve,” sabi ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon.
Pinayuhan naman ng PRC Secretary General Dr. Gwen Pang na maging maingat, patayin ang kuryente at i-lock ang bahay, huwag iwanang nakabukas ang kandila, at magdala ng first aid kit habang naglalakbay.
Magsisimula ang operasyon sa Oktubre 30 at tatagal hanggang Nobyembre 2. Dave Baluyot