MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng kriminal at administratibong kaso laban kina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, ang nagbitiw na kongresista na si Zaldy Co, at iba pang opisyal ng gobyerno kaugnay ng flood control scandal.
Ani ICI Chairman Andres Reyes Jr., kabilang sa mga opisyal na isasampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman sina Commission on Audit Commissioner Mario Lipana, dating Rep. Mitch Cajayon-Uy, at dating Public Works Usec. Roberto Bernardo.
Dagdag ni Reyes, posibleng sangkot ang mga opisyal “sa pagkuha ng suhol o hindi nararapat na benepisyong pinansyal mula sa mga kontratista ng flood control projects.” RNT