MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Visayas, Mindanao, Bicol Region, at MIMAROPA dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong Huwebes, Oktubre 30.
Ayon sa PAGASA, ang Batanes, Cagayan, Apayao, ar Ilocos Norte ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan habang ang Metro Manila, CALABARZON, Aurora, at Isabela ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas naman ng localized thunderstorm. RNT/JGC