GENERAL SANTOS CITY – Tuluyan nang hinawakan ng defending overall Batang Pinoy champion na Pasig City ang pangunguna sa medal tally ng Batang Pinoy 2025 sa huling dalawang araw ng bakbakan.
Sa latest medal tally na inilabas, nakatipon ang Pasig City ng 23 gold, 15 silver, at 23 bronze.
Nasa pangalawang pwesto ang matatag na koponan ng Manila na may 20 gold, 19 silver at 20 bronze.
Naka-abang naman sa malapit ang Baguio City na may 19 golds, 13 silver, at 16 bronze. Inaasahang aaglagwa ang Baguio sa susunod na araw dahil nalalapit na ang finals ng mga combat sports kung saan malakas ang City of Pines.
Nasa pang-apat na pwesto naman ang Quezon City na may 17 gold medals, 17 silver, at 21 bronze.
Pang-lima ang Davao City, pang-anim ang Santa Rosa City, pang-pito ang Zamboanga City at nasa pang-walo ang Cebu.
Nasa pang-siyam na pwesto ang host General Santos City, at pang-sampu ang Muntinlupa.
Patuloy ang labanan sa natitirang dalawang araw at inaasahang magbabago pa ang ranking pero nangako ang Pasig na ipagtatanggol nila ang kanilang hawak na korona anoman ang mangyari.RICO NAVARRO