Home NATIONWIDE Pasok sa mga korte ngayong araw, suspendido na bilang paghahanda sa Undas

Pasok sa mga korte ngayong araw, suspendido na bilang paghahanda sa Undas

320
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Oktubre 29 ang pasok sa lahat ng mga korte sa bansa ngayong Huwebes, Oktubre 30 para makapaghanda ang mga tauhan nito sa paggunita ng Undas.

Sakop ng work suspension ang SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng first at second-level courts.

Sa abiso nitong Miyerkules, sinabi ng SC na ang suspensyon ng pasok ay ipatutupad simula tanghali ng Huwebes.

Ito ay “to allow court personnel to appropriately observe traditional All Saints’ Day and All Souls’ Day activities.”

Idinagdag ng SC na mananatili ang skeleton workforce sa mga nasabing korte.

Matatandaang nauna nang idineklara ng Malakanyang ang Oktubre 31 bilang karagdagang special non-working day. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here