Home NATIONWIDE MRT-3 may alok na libreng sakay sa mga bata sa Nobyembre 3

MRT-3 may alok na libreng sakay sa mga bata sa Nobyembre 3

286
0

MANILA, Philippines – Mag-aalok ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa mga bata edad 18 anyos at pababa sa Lunes, Nobyembre 3 bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month.

Sa abiso, sinabi ng MRT-3 na ang libreng sakay sa mga bata ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang libreng sakay sa tren ay bilang tugon sa hiling ng National Council for the Welfare of Children para sa paggunita ng 2025 National Children’s Month.

Ipinagdiriwang ang National Children’s Month tuwing Nobyembre batay sa Republic Act 10661 o “National Children’s Month Act.”

Ito ay upang kilalanin na ang mga bata ay maituturing na “most valuable assets” ng bansa at ipinapakita rin ang mahalagang tungkulin nito sa pamilyang Filipino at sa lipunan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here