Home NATIONWIDE Taas-sahod sa Central Luzon, epektibo na ngayong araw

Taas-sahod sa Central Luzon, epektibo na ngayong araw

285
0

MANILA, Philippines – Epektibo na ngayong Huwebes, Oktubre 30 ang umento o taas-sahod para sa mga manggagawa sa Central Luzon.

Ang bagong daily minimum wage sa unang tranche ng rehiyogn ay itnakda ng Regional Tripartite wages and Productivity Board sa P475 hanggang P570.

Ayon sa Department of Labor and Employment, tataas pa ito sa pagitan ng P515 at P600 simula Abril 16, 2026.

Tataas din sa P6,500 buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa rehiyon.

Layon ng wage hike na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mapanatili ang sapat na kita ng mga manggagawa sa Central Luzon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here