Home NATIONWIDE BTA, mananatiling ‘lehitimong’ governing body ng BARMM – OP

BTA, mananatiling ‘lehitimong’ governing body ng BARMM – OP

307
0

MANILA, Philippines – MANANATILING ‘lehitimong’ governing body ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) kasunod ng pagpapaliban ng kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections.

Sinabi ng Office of the President (OP) na dahil sa walang naganap na eleksyon, ipagpapatuloy ng BTA na gamitin ang ganap na kapangyarihan at awtoridad nito sa panahon ng extended transition period hanggang mahalal o muling maitalaga ang mga bagong opisyal.

“The authority to make changes in the composition of the BTA during the transition remains with the Office of the President, as provided by law,” ang sinabi ng OP sa isang kalatas.

“No formal reappointment is necessary, as current members continue to hold office by operation of law until replaced or succeeded,” dagdag na pahayag nito.

Winika pa ng OP na ang nagpapatuloy na operasyon ng BTA ay naglalayong “ensure continuity of governance, legal stability, and an orderly transition in the Bangsamoro.”

Ayon pa sa OP, ang nagpapatuloy na awtoridad ng BTA ay consistent o naka-ayon sa Bangsamoro Organic Law, Republic Act 12123, at desisyon ng Korte Suprema na ipagpaliban ang kauna-unahang parliamentary elections na itinakda noong Oct. 13, 2025.

“The Office of the President reiterates its commitment to peace, self-governance, and inclusive development in the region,” ang sinabi ng OP.

Pinagtibay noong February 2025, ni-reset ng RA 12123 ang ‘first regular elections’ sa BARMM sa petsang Oct. 13, 2025, mula sa orihinal na petsa na May 2025 at may mandato na ang kasunod na eleksyon ay dapat na synchronized o kasabay ng 2028 national elections at idaraos kada tatlong taon pagkatapos noon.

Sa isang desisyon na may petsang Sept. 30, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang redistricting laws, pinagtibay ng BTA na sinadya para gabayan ang eleksyon.

Ipinag-utos din ng Korte sa BTA na gumawa ng bagong batas na nagbabalangkas sa legislative districts ng BARMM sa Oct. 30.

At dahil sa ruling, mas iniurong ang parliamentary elections sa isang petsa na hindi lalampas sa Marso 31, 2026. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here